Rizal Narratives

For the Poor to Survive (reflections from Eric Dorente, field interviewer, ‘Spaces in Transition?’)

“Malou’s husband is an OFW. They are not “relocatees” but they live in Kasiglahan, a housing project originally for the Manila urban poor. But where the former “squatters” could not thrive, middle class people like Malou’s family can. So the Malou’s family bought the unit from a former relocate – and made a home.1919624_480206222116154_879334528242718302_n

My question is, why can’t former urban poor families do the same? Why can’t they make their relocation communities flourish?

This leads me to think that any program that purports to help the urban poor in relocating must be very well thought out and well planned. They can’t be done halfasswards. If government says, “the new homeowners will have jobs and livelihood in the relocation sites,” they better be sure that they will have jobs and livelihood.

What then is a place? A place is somewhere where a person has a means of living, an economic opportunity. This is the most basic requirement. A row of painted houses handed over to a poor family – but without a promise for livelihood – is no place.10559822_480206255449484_382744084449014683_n

The next question is, when did the slum dwellers ever get detached from the economic structure of opportunities? Why can the middle class families like Malou’s have enough capital to fly to Saudi Arabia as an OFW, but poorer families can’t?

The sadder part here is that because of the original planners’ carelessness, what started out as a program intended to help the urban poor is now helping the middle class. That’s not bad in itself. But what about the class that really needs serious help?” – November 2013


Ang “Dead” End ng Rizal: Montalban Bilang Relocation Site sa Gilid ng Maynila

Kinuwento ni Mitchie na isa rin siya sa “relocatist” (ang salitang ginamit niya) sa Montalban. Galing ang pamilya nila sa likod ng Intramuros at na-relocate sila dahil nasunog ang lugar nila.

Ang Montalban daw ang pinakamalapit na relocation site sa Metro Manila. Relocation site din ito ng mga empleyado ng gobyerno at may pabahay din dito para sa mga sundalo. Dagdag pa niya na Montalban ang “dead end” ng Rizal at ito daw ang may pinakamalaking land area sa Rizal Province.10455938_480262408777202_5016656699760085311_n

Sa tingin niya, hindi raw ”successful” ang pabahay dahil ibinibenta din ang mga bahay na ito ng mga na-relocate dahil wala rin naman silang mga trabaho pagdating dito. Sa pagkakalam niya, bumabalik din ang mga na-relocate sa pinanggalingan nila o saan man sa loob ng Metro Manila kung saan nandun ang pinagkakakitaan nila. Wala rin daw masyadong mga pabrika o pagawaan sa lugar dahil hindi “stable” ang lugar sa usapin ng posibleng pagbaha at lambot ng lupa. Bukod pa dito hindi daw kaaya-aya sa investors dahil “congested” ang San Mateo, isang bayan na dadaanan patungo sa Metro Manila.

Kung history ang pag-uusapan, ang mga Dumagat daw ang orihinal o pinakaunang migrant sa Montalban. Ang mga taga Balite naman at Dike ang mga “original” na una sa kapatagan pero ngayon ay mga relocated na rin ang karamihan. Iminungkahi niya sa amin na bisitahin ang Puray, partikular sa Malasha Uyungan dahil Dumagat area daw ito kung saan naninirahan ang nasa 200 hanggang 300 na pamilya. Sa Wawa (sakop ng San Rafael) daw dati naninirahan ang mga Dumagat. Noong panahon pa nga raw ng Kastila, ang mga taga-baba ay umakyat sa bundok at di naglaon ay nakapangasawa ng mga katutubo sa bundok. Nakilala sila sa tawag na “Remontados”. (Kwento ni Eric Sister, Nobyembre 2013)


The Rich and Research

“Eastwood Greenview is marked on our checklist as an “Exclusive Area.” The thing that sucks about areas with pretenses toward exclusivity are that residents generally don’t feel like being bothered. Upper class people are always wary, as if people knocking on their doors are always in need of something. “We don’t accept solicitations,” one said before I could even say a word…Residents of poorer areas are a lot easier to talk to, and are a lot nicer.1920419_480207545449355_7279966279979683357_n

It’s almost counter intuitive. Why are people who are supposed to be more educated a lot more suspicious of other people – people they don’t know? Isn’t “education” supposed to allow you to appreciate people who take surveys – people who are serving the purpose of pure research? They always have these well-bred dogs trained to bark like crazy toward strangers…

Maybe they don’t care about research that’s designed to help policymaking in the Philippines because if things get worse, they’ll just migrate to the States, or Canada, or Australia.

Spaces, for them, become individual, exclusive, private locations, where nobody else is welcome.

[But] there are exceptions, of course.”

– Eric D, 2013


ANG GAMIT NG INGLES SA ATING ESPASYO

Ang kwento ni Eric Sister habang nag-iinterview ng respondent sa Montalban…kailan nga ba ginagamit ang Ingles? May mga espasyo ba dapat kung saan angkop ang pagii-Ingles?

“Nasa Hongkong ang asawa ng na-interview kong si Micaella*. Biro nga niya ay “sampid” daw ang asawa niya. Nagkakilala sila sa Hongkong at nang mag-asawa ay dito na sila nagpundar ng matitirhan. Bata pa siya at ang panganay ay nasa preparatory school.

Napansin kong ini-English niya ang anak pag kausap. Biro niya ay nag i-English-English-an sila ng anak niya para daw masanay at di mahirapan sa school. Halatang siya man ay di naman talaga komportable sa ganun pero sa tingin ko ay para makasabay at masanay ang anak. Karaniwan ang ganitong eksena sa mga nagkalat na Private Preparatory school sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas.10378931_483558851780891_5447509169343617473_n

Gayunpaman, hindi natin masasabi na ang ganitong mga eksena ay sa mga ‘may kaya’ lang. Maging ang tatay ko na siyang sumusundo sa mga apo niya ay napapa-English kahit di naman talaga siya komportable at bihasa dito. Ang mga maiikling ‘come here!’, ‘don’t do that!’ o kaya ay ‘let’s go home’ ay sapat na siguro para maramdamang ‘nakakasabay’ sa karamihang nasa lugar. Pagkalagpas ng ilang metro pa lang sa school ay balik na sa mas nakagawiang salita at galaw.

Ganun din kaya ang eksenang ito sa subdibisyon? O sadyang ganun talaga sila hanggang pag-alis sa school. Hindi kaya nagbabago ang asal, gawi at salita pag nagbabago na ang espasyong kanilang ginagalawan?

Naalala ko tuloy ang tanong ng isang kaibigan na ‘Bakit tayong mga Pilipino, masunurin sa batas kapag nasa ibang bansa? Pero pagbalik dito sa atin, di naman sumusunod.’

Dahil ba sa ang asal natin ay ‘depende’ talaga kung nasaan tayo?”


TSINELAS, KALUSUGAN, AT TRABAHO

Dahil Lunes ngayon, may isang kwento si Eric Sister tungkol sa mga residente na taga-Malanday, San Mateo at sa kanilang kabuhayan:10514648_486097931526983_7968601632590244564_n

“Sa Tubo Kanan naman, may ginugupit na goma ang sumunod na respondent. Parte pala iyon ng tsinelas. Kung saan isinusuot yung paa. Nilinaw ko na di naman kailang na huminto sa ginagawa nila dahil parang kwentuhan lang. Medyo malakas na amoy kemikal ang nasa goma. Nakakahilo. Minsan nga raw ay hindi na nila hinuhugasan ang kamay bago kumain dahil baka ma-pasma sila. Sabi ko delikado iyon dahil may kemikal na hindi natin alam ang epekto. Sanayan lang daw. Mas mainam na raw na may ganung kita kesa nakatambay sila. May ilan pa sa hilerang iton ang gumagawa din daw ng ganun. May sasakyang pumi-pick up ng mga nagupit na. Sa maghapong paggugupit ng gomang iyon, kumikita bawat isa sa kanila ng humigit-kumulang P60.10351453_486097961526980_7428186857446160935_n

Kapag nga naman kabuhayan ang pinag-uusapan, parang pangalawa o pangatlo lang sa listahan ang kalusugan. Kahit alam nilang posibleng may masamang epekto, sumusugal pa rin at hindi maniniwala hanggang may mamatay o may malinaw na patunay sa masamang epekto nito. Nakakalungkot din isipin na ganun ang halaga ng pagpapagod nila. Totoo nga naman kasi na mas mainam na iyon kesa wala. Kaya kagat nang kagat para may kita kesa wala. Kahit hindi permanente, kagat lang.

10613047_486097951526981_3944561761723965837_nAng hirap kaya maghanap ng trabaho. Wala naman halos ito pinagkaiba sa mga nasa call center, kagat din ng kagat kahit parang bampira na. Mukhang may maganda at kagalang-galang na image. Pero image lang yun. Madali lang kasi pumasok at madali lang din umalis. Nakakalungkot na hindi tapat ang bayad sa mga kaalaman at kakayahan ng mga kababayan natin…”

 

 

 


GATED AND NON-GATED SPACES:

“We were prevented from going into Timberland because we had no approval from their admin even though we had a letter from the mayor and barangay captain of Malanday. When we asked if we could talk with the admin, the guard said he was not there… [C]onsidering that the place was far and we spent P100 getting there…my companion and I didn’t want to leave empty handed so we checked if there are other houses outside Timberland which is still under Malanday.10592635_486101051526671_187549734102843058_n

There was…Sitio Binayoyo…a small community which is reachable via a 1 hour trek. Getting there and interviewing the residents, we found out that in the past, they didn’t have to hike that far to get there, they said they could pass by Timberland gate down to their Sitio, but recently their right of way was erased and fenced or walled, so every time they go home, they have to trek. Because of this, some residents have moved out: out of the 50 houses in the area, they said only 20 were left with residents.

Timberland is a town in the mountains, it is a high-end space. Situated in this ‘town’ are different subdivisions, each having individual guards. I found out this was a place where celebrities and politicians live. From what we have seen from the gate and the stories we’ve heard from the people around the area, Timberland is a place for the rich and luxurious.”10369896_486101041526672_3932615933370338273_n

In contrast, “Sitio Binayoyo is a village in the mountains, just outside Timberland,” where life is far from luxurious: “the people rely on a deep well for their drinking water, and also farm the lands as the source of their income. They live a simple life, seeing the sunrise in the mountains when they wake up, and the majestic sunset overlooking Manila to end their tiring day tending to their farms.”

Through Boyet Torres’ narrative, it is saddening to see that two different spaces, that of the space within the gated walls of subdivisions or private developments and of the space outside the gated walls, embody two different lifestyles and social statuses even if they are next to each other.


HOUSING HIERARCHY AND CLASS

“By this time through the project I’ve acquired a general picture of what kinds of housing projects different kinds of Filipinos have.10552556_486107278192715_5793253928296345242_n

So basically, where you live is immediately indicative of your class, and vice versa. Truck drivers, street vendors, house maids, many times will be found living in slums. Of course there are gradations here and it would be interesting to know the many levels of slum dwelling. For example, slums that exist right in the middle of dump site may be of a lower category than slums that exist say, near a river.

10610698_486107378192705_1836508591648441357_nMiddle class people often live in economy housing projects that often exist a bit far from the city, since the latter place is reserved only for people with money. The very rich live in exclusive villages. Of course there is a trend now toward condo units but these still cater to the upper middle and elite classes. Housing projects that exist near the capital are most often expensive projects, and in fact the trend toward condominiums is an attempt to squeeze in as much land area as possible near the center of the capital. This is the reason why no condo units exist far from the business centers.”

Eric Dorente’s thoughts on the hierarchy of housing in the Philippines. Care to share yours?

10599567_486107404859369_445017494136565268_n

10577141_486107414859368_6702751061276815242_n

 


TAKOT AT PANDARAYUHAN

Madalas, kapag sinasabi “Rizal”, iniisip natin ang mga urbanisadong lugar na karaniwang nadadaanan sa may Montalban: mga establisyamento tulad ng 7/11 at Jollibee, ang sementadong daan papunta at paalis ng sentor, ang palengke, atbp. Ngunit maraming lugar sa Rizal ang hindi pa naabot ng urbanization at development tulad ng Puray sa Montalban; dito matatagpuan ang mga naratibong lihis sa mga kwento ng mga nakatira sa mga gated at non-gated na komunidad sa sentro.10516891_490256024444507_4725239591089542329_n

Ito ang kwento ni Eric Sister nang nakarating sa Puray pagkalipas ng halos 40 minutong nakasakay sa habal-habal sa maputik at malubak na daan. Makikita natin na ang urbanization, kahit noon pa man, ay sanhi ng takot at pandarayuhan para sa mga Indigenous People (IP):

“Isang Dumagat ang nakausap ko. Papunta sana siya sa bukid pero sabi niya, OK lang daw na magpa-interview. Isang BHW (Barangay Health Worker) si Mina. Apat ang anak niya. Isa sa kanila ay may asawa at dalawang anak na. Doon din nakatira sa kanya. Natutuwa si Rhodora na ibahagi ang training na dinadaluhan niya ngayon. Massage Therapy.

10603549_490256034444506_3726938383510749887_nNaikwento niya na nung mga bata pa sila, takot sila sa saaskyan na napapadpad sa Puray. Hindi ito karaniwan para sa kanila at dagdag pa ang pananakot ng mga matatanda nila na kukunin sila ng mga nasa sasakyan. Nagtatago daw sila sa mga talahiban. Ipinanganak siya noong 1967. Ibig sabihin nasa pagitan ito ng 1971 hanggang 1980. Inikarawan niya ang mga kapwa katutubo dati na “umaatras” pag may bagong mukha. Ayaw nilang nakikihalo sa iba. Baka likas sa kanila ang ganito. Pareho din ng narinig kong kwento ang kwento niya. Sa Wawa sa San Rafael daw dati nagsasaka ang mga nauna sa kanila.

Pero dahil sa kaguluhan sa kapatagan, umatras sila paakyat sa bundok.”


ULING, ULING, SAAN KA GINAWA?

Madalas, ginagamit natin ang uling para sa pagluluto at pagiihaw. Ngunit sa bundok sa Puray, Montalban, ito ang kanilang kabuhayan. Sa kwento tungkol sa mga hinanaing ni Julia, maraming mauungkat na isyu sa simpleng usapin ng uling: ang pilit na kabuhayan, ang mga batang tinututuran nang mag-uling para sa kita, ang pagmamay-ari ng lupa, at ang kapangyarihan ng mga malakihang kumpanya.

“Nagpakilala siyang si Julia…Nagtatrabaho daw siya sa DENR sa Plantation Development.10590509_490280991108677_1686641601601296037_n

Impluwensiya daw ng dayo ang pag-uuling. Hindi naman daw ito gawi ng mga ninuno nila. Ngayon ay napipilitan na ring mag-uling kahit mga bata pa dahil kahit papaano ay may kita.

Isa sa mga ikinalulungkot niya ay ang pagkakaroon ng mas malalaking lupa ng mga dayo. Sila naman daw kasi ay hindi ganun. Kuntento daw sila basta makakain. Yung sapat lang sa araw na iyon. Isa rin sa ikinalulungkot ni Nenita ay ang pagbabawal sa mga simpleng tao sa pag-uuling na pangunahung kabuhayan nila, samantalang pag kumpanya naman daw ay nabibigyan agad ng permiso.” – Eric Sister


A white cow peacefully grazes on an open field, with a row of houses in a real estate development site as the background. Theses types of sights and landscapes are seen in various pockets of Manila’s peri-urban fringe, where the sprawl of urbanization has seen the rise of mixed land uses, fencing or gating of private lands, conversions of agricultural land to industrial, commercial and real estates, and other land developments that shape the everyday spaces of residents.10633178_492182260918550_2043060373309333207_o


ANG DATING “LITTLE TONDO” NG TAYTAY, RIZAL

Sa paguungkat ng kasaysayan ng isang lugar, ang pinakamagandang pagkunan ng impormasyon ay ang mga residente nito. Kaya’t sa Sitio Simona ng Taytay, Rizal, nakakatuwa na ang mga naninirahan doon ay may baon na katiting na kwento tungkol sa kanilang lugar:10631300_492411567562286_3351083582478154198_o

Noong 1970s at 1980s, bundok, gubat at may matataas na talahib dito ang Sitio Simona. Wala ring bahay, kuryente at tubig. Mga bandang 1987, binili ng isang pari ang lupa ng sitio at ibinenta sa mga tao sa mababang halaga.

Noong panahon na iyon, maraming tao ang takot na pumunta sa sitio: may pumapatay o mamamatay tao daw dito sa parte ng Rizal kaya takot ang mga tao na manirahan sa Simona. Kaya tinawag ang sitio na “Little Tondo” dahil wala daw makapasok na pulis dahil magulo, maraming nagnanakaw, at nandoon nakatira ang isang legendary na criminal na si Barok. Dahil si Barok ay may anting-anting o agimat na nagbibigay sa kanya ng kapangyarihan upang takutin ang mga residente at estranghero, nakilala din ang sitio bilang “Corocan”, ang kampo ni Barok.10515331_492411584228951_9179049098981379418_o

Marami ding kwento kung paano nabago ang reputasyon ng sitio na ito:
1) Noong nabalitaang namatay si Barok, unti-unting pumunta at nanirahan ang mga tao sa sitio;
2) May isang bayani na ibinagsak ang mga dating namumuno noong magulo pa ang barangay; at
3) May isang nahalal na barangay cheiftain na naging dahilan ng pagbagsak ni Barok at ang kanyang mga alagad.

(Galing sa mga etnograpiya nina Mie, Clarissa, Agnes, at Marianne)

Ikaw, anong kwento ng lugar mo/niyo?


ANG SITIO NG RECLAMATION AT RELOCATION

Hindi naman mahirap isipin kung bakit “Floodway” ang tawag sa isang lugar sa Barangay San Juan, Rizal. Bukod sa napapalibutan ng tubig, binabaha na ang lugar kahit kaunting ulan lang.10623446_492415767561866_8522764613942448950_o

Ang Floodway ay dapat hindi titirhan ng tao, ngunit sa kasaysayan, ang lugar na ito ay dating sapa na tinabunan ng lupa upang maging reclamation area para sana sa mga empleyado ng DPWH. Ngunit ang reclamation area na ito ay naging relocation site para sa mga “informal settlers” galing Pasig, Caloocan, Mandaluyong at Tondo, na karamihan ang kabuhaan ay bilang tricycle driver, construction worker, at nagpapaupa.

Mula reclamation hanggang relocation, bumabaha din kaya ng biyaya?

(Hango sa mga kwento ni Agnes, Mie, at Marianne)


ANG MUNDONG DI NAABOT NG KARANIWANG TAO

May isang exclusive subdivision sa isang mataas na parte ng Dolores, Taytay na isa sa pinakasikat na lugar para sa mga shooting para sa teleserye (Basang Sisiw, Annaliza, Got to Believe), magasin (FHM), at pelikula (Enteng Kabisote) ng mga malalaking midya network. Chismis ni Mielyn Mercan, dito rin nakatira ang ilang mga sikat na artista ngayon tulad ni Gerald Anderson.10644345_492420600894716_2613534519098681351_o

Ngunit ang pagpunta sa lugar na ito ay parang pagpunta sa malalaking estasyon upang mahagilap ang paboritong artista. Para makarating ang lugar na ito na sobrang tahimik, maganda, at malayo sa ingay ng mga trak, jeep, at tao sa highway, kailangan naka-motor o kotse papasok at palabas.10504925_492420627561380_3432207670081064797_o

Sabi nga ni Agnes, “Akala ko wala na ako sa magulong pamumuhay sa Taytay. Akala ko nasa ibang bansa na ako,” at sinulat ni Clarissa na “parang nasa ibang mundo ka kapag andon ka sa taas….”

1622407_492420604228049_3276676069774785220_oNgunit sa pagbaba mula sa taas, babalik ulit sa mundong magulo na kung saan nandoon ang mga “taga-baba” o mga informal settler sa paanan ng subdivision (ayon sa kwento ni Marianne) at iba pang tao, ang ingay, at ang sumisingaw na lansa ng lansangan.

 


WHO ARE THE “SEPOYS”?

When Mielyn, Marianne, Agnes and Clarissa ended up in Barangay Sta. Rosa in Cainta, Rizal last December 2013, they were intrigued by the distinct features of some of the people here. Unlike other Filipinos, they had high-bridged and pointed noses, deep-set eyes, thick eyebrows, and dark skin tones.10380489_499658546837588_8273224136527734814_o

When they asked barangay residents about this interesting mix of people, their stories reveal that these Sepoys descended from Indians who had settled in the area. There are various stories of when and how they came to Cainta.

According to Marianne’s account, these Sepoys were already in Cainta as early as the Spanish regime, even participating in the war against Spain which eventually led to the separation of Cainta and Taytay. After the separation, all the Sepoys settled in Cainta.

However, there is another story told by Mielyn that claimed that the Sepoys were Indian soldiers brought by the British to the Philippines before World War II.10700507_499660696837373_5006438695161609560_o

With this interesting fact, it is important to note that when we end up in any place (and not just in Sta. Rosa, Cainta), it’s not just a matter of dealing with the present…these spaces, and the people living and moving around in them, have a rich history that can be discovered just by simply asking residents who have been there for a long time.


LUCK IN THIS TIME OF URBANIZATION

When the girls ended up in Barangay San Roque in Cainta, Rizal, they found out that the residents were literally selling luck.10699733_500591530077623_5896889557512740348_o

“I bought a lucky charm,” Mielyn wrote in her diary in Filipino. “It’s like the rice grains of sticky rice (which they say is hung at the door). It’s only P10 each, but when it is sold in Quiapo it’s around P25-P35.”

It’s astounding to think that these bringers of luck embody the movement of goods from Manila’s peri-urban fringe to Manila. From Morong, Rizal (according to Clarissa), these rice grains are transported to Cainta, Rizal and are then transported to Quiapo and Divisoria for selling.10699759_500591526744290_8812816172154084744_o

However, the raw materials of these lucky charms don’t end up in the hands of Nursery Road residents just because; aside from being suman producers, they also are makers of kampel or kampil (the suman wrapping we’re so fond of unraveling).

But what constitutes luck in a time of urbanization in the fringe? Is it the promise that one day they will be given their own piece of land in Cainta? Is it the promise of a fruitful profit from suman, kampil and lucky charms to people in Rizal and Manila?10694304_500591693410940_8190931564149208477_o

Both Marianne and Clarissa wrote that the residents are happy in their community because of their neighbors and the peacefulness of the place. Perhaps, in that way, they are already lucky.10499582_500591733410936_3424720385572614128_o


OF HOUSING AND EMPLOYMENT

When we think of housing, we usually link it to employment in terms of accessibility to the workplace, the economic benefits in having a definite place that has been bought through capital, and so on. In other words, it is two separate things: there’s work and there’s home. What if they are complicatedly intertwined in a sense that your housing depends on your job?10648711_500597796743663_1222229502259959923_o

In the case of one family in Barangay San Roque, Cainta, Rizal, they work for a nearby factory that makes fabric. According to Agnes’ respondent, they are not allowed to work in other companies as long as they want to stay in their current home. “They once had a neighbor who worked for another company for one day,” she wrote in Filipino, “Upon coming home, their house was demolished.” She further shared that her respondent said that they want to move somewhere where their employers ‘don’t hold them by the neck’.


DIVISIONS WITHIN A SUBDIVISION (Part 1)

Often, when we think of gated communities, private subdivisions with security guards and gates, we assume that more or less the people living inside are at the same level in terms of income and lifestyle. However, that isn’t always the case.10518327_503062309830545_4179998203567794061_o

When the girls ended up in Robinsons Homes in Antipolo, Rizal, they observed the following:

  1. The subdivision is divided into three parts:
    – Executive, middle-class and socialized housing (according to Marianne and Agnes)
    – Elite, middle class, and lower class but not poor (according to Clarissa)
  2. Those living near the gate is considered the “lowest class area” of the subdivision; and
  3. Despite economic disparities and abandoned houses, there is a presence of sari-sari stores and well-organized “areas” or “enclaves”.

So given this information and observations, are these so-called divisions in a subdivision just tied to the economic, or are these divisions within a subdivision really “divisions” at all? And if they are, then it debunks the notion of a uniform space within a private and gated community…


DIVISIONS WITHIN A SUBDIVISION (Part 2)

When the barangay hall of a Barangay is located within a gated subdivision, it makes you wonder why a public and government structure is located within the realm of the private.10669179_503062316497211_7160824315551063274_o

Such is the case of Barangay Beverly Hills in Antipolo/Taytay, Rizal, wherein the complexity of the merging of the public and private become a space where there are economic and social divisions…all within the gates of a subdivision.

Upon entering the barangay, which has a lavish gate, guard and entrance, the girls first encountered large and fancy houses. Yet after walking further into the barangay, the houses of informal settlers and the rural surroundings of other sitios greeted them.10582834_503062323163877_1291074394762954821_o

While there are many caretakers residing in the large houses, there are some residents that live in abandoned buildings and lots that have no water and electricity. Others will be relocated to Busu-Busu because the area will be fully converted into subdivision land.

Apparently, a barangay with divisions within a subdivision need to be studied beyond gate and entrance value.


DIVISIONS WITHIN A SUBDIVISION (Part 3)

According to the guard at the entrance of Barangay Beverly Hills, celebrities like Heart Evangelista used to live in one of the houses in the community. But the most well-known celebrity that resided in the barangay was Fernando Poe Jr. or FPJ: his mansion can be found nestled in Beverly Hills, in the care of a caretaker.According to Marianne and Clarissa, his presence in the barangay led to the naming of one of the sitios based on his FPJ’s movies (Sitio Pitong Gatang).10658787_503074026496040_2147652180198088956_o

However, living next to a house owned by a celebrity doesn’t entail privileges where divisions exist within a subdivision. Right next to FPJ’s rest house lives one family that survives without electricity and water in an abandoned building. Even in Sitio Pitong Gatang, the residents rely on candles as their source of lighting.

In his 1992 movie, “Dito sa Pitong Gatang”, FPJ plays the role of a respectable barangay chairman with a dark secret. We wonder if the “dark secret” Director Pablo Santiago should have included in the script was the ownership of an empty rest house in Manila’s peri-urban fringe, and of the people around it.


ANG PAGUSBONG AT PAGLAHO: ANG DAAN NA “PROGRESO”

Isa sa “requirement” ng sinasabing “progreso” ay ang pagkakaroon ng matinong kalsada. Sa karamihan, senyales at daan ito tungo sa pag-unlad. Mas mabilis ang transaksiyon at pagkonekta sa “sentro”. Madali ang pagbiyahe ng mga kalakal pababa at gayundin ang pagdala ng kalakal galing sa “sentro”. Bukod doon ay mas “accessible” ang mga pangunahing pangangailangan kasama na ang edukasyon.10658827_507087219428054_2154671722206977590_o

Sa pagkakalam ko, kalsada, edukasyon at trabaho ang pangunahing ipinapangako ng mga nagmimina at mga nagto-troso [tulad ng mga taga-Calawis]. Sa biglang tingin, mukhang “tulong” at “progreso” ang ipinapangako pero sa karanasan ng mga “mining” o “logging” communities, sa kalaunan hindi naman talaga tatagal ito ng ilang henerasyon. Hindi sustaining. Sa totoo lang, kailangan naman kasi nila talaga ng kalsada at ng taong magtatrabaho sa kalakarang isinasagawa. Pero sa 50-75 taon na “lease” ng mga mining companies, bawing-bawi na o malaki na ang kinita ng mga kumpanya. Ubos na rin ang bulto ng mapapakinabangan sa lupa. Malamang, nakapag-pa-graduate na rin ang mga minero ng mga anak nila. Yung iba naman ay di na nag-aral dahil may trabaho nga naman.906674_507087226094720_5777178438418696018_o

Hindi lantad ang katotohanan na hindi naman tatagal ito. Darating sa puntong titigil na ang operasyon ng kumpanya at maiiwan sa “ere” ang mga tao. Kasabay ng pag-alis ng kumpanya ang tila pagkamatay ng lugar. Walang kabuhayan. Hindi sustainable.

Magbabago ang itsura ng lugar. Mabubuo ang maliit na komunidad. Sementado ang daan. Pero pag nawala ang pangunahing kabuhayan, natural din na mawawala ang sigla ng kabuhayan dito kumpara sa dati. Depende na sa iba’t-ibang factors kung ano ang susunod na mangyayari sa lugar: Kung magpapatuloy ba ito sa pag-usbong bilang komunidad o maglalaho. – Eric Sister614936_507087229428053_5538757995837354189_o


PAG-IIBA SA “IBA”

Lopez Ville na. Inaayos ang guardhouse nung pumasok kami. Hindi naman kami sinita ng guwardiya. Hindi ito katulad ng mga subdivision na napuntahan namin. Kapansin-pansin na luma ang architecture at disenyo ng mga bahay. Hindi katulad ng mga “generic models” ng mga itinatayo ngayon.10646963_507090112761098_2355793529962639315_n

Habang hinihintay namin ni Boyet si Eric sa isang tindahan, may batang bumili na mga 10 years old, at sinabi niya, “Maraming nang-aaway dito sa inyo”. Pagkatapos bumili ay binu-bully nga siya ng mga bata na nandun.

Nalaman ko sa tindera na hindi pala taga-doon yung bata at madalas nga na ganun ang ginagawa nung mga batang taga-loob. “Labanan mo!” , sabi ng ale sa store sa batang inaaway. Tinatawag ko rin yung mga nangunguna sa pangbu-bully para sawayin pero hindi ako naririnig. Huli na nung lalapitan ko sana dahil sinipa na nga nung “dayo” yung mga nambu-bully.10671271_507090109427765_5163772671581249210_n

Maaring nagkataon o gawaing bata yun. Maaaring ang tingin ay karaniwan sa isang yugto ng mga bata ang makaranas ng ganun. Pero naisip ko, ano ang naitatanim sa isip nung na-bully, nam-bully at nanonood, ng ganung karanasan na malaki ang posibilidad na madala hanggang pagtanda. Sa ganung edad ay alam na ng mga bata ang konsepto ng “mayaman” at “mahirap”.

Sa tingin ko, depende na rin sa maraming factors pero malaki ang posibilidad na mauwi ito sa pagturing na “iba” sa “hindi” kauri. – Eric Sister


PANANAGUTAN

“Sa kanilang mga nasa subdivision, isa sa common experience ay ang pagiging “kanya-kanya” o “walang pakialamanan”. Tinitingnan ito bilang privacy at respeto sa kapwa. Sign din ito ng pagiging “refined” o “disente” at “professional”. Dahil hindi ko maitanong nang maayos o pwedeng malaman sa isang simpleng tanong kung masaya ba sila sa ganoon, hindi ko masabi kung “alienated” ba sila sa pagtira doon. Parang nostalgic na lang ang pagkawala ng dating hiraman ng plato, asin at toyo na ngayon, kung “close” sa kapitbahay ay nauwi na lang sa paghahatid ng pagkain pag may handaan.”10661982_507102646093178_4203670373989303608_o

Kadugtong ng obserbasyon ni Eric Sister, inobserbahan din ni Mielyn Mercan na madalas ang mga naka-tira sa mga gated subdivisions ay walang masyadong kakilala sa komunidad. Isa sa mga dahilan ay madalas wala sila sa bahay dahil sa trabaho sa siyudad. Kumpara sa maraming taong nakatira sa labas ng mga gates ng subdivision, wala man silang kapital o kakayahang upang maging “mobile” ay napaka-close naman nila sa isa’t isa…at minsan ang tsismis ay nagiging ugat ng mga problema.

Ang pagiging “kanya-kanya” ba ay sintomas ng pagusbong ng indibidwalismo sa mga espasyong pribado tulad ng mga subdivision? Ang “walang pakialamanan” ba talaga ay nangangahulugan na may seguridad sa isang komunidad?

Ika nga sa isang sikat na kanta: “Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s