Cavite Narratives

THE BAKOD IN BACOOR?

According to Clarissa Velasco and Agnes Taboclaon’s findings on the history of Bacoor, it used to be called “bakood”, a form of the word bakod or fence. It was said that during the colonial period, the Spanish asked the name of the place to someone who was making a fence at that time. He/she replied “Bakod”. Over time, it “Bakood” became “Bacoor”.

Yet even today, there appears to be some kind of “bakod” between strangers and residents in some urbanized pockets of Bacoor, creating the notion of “hostility”. Such was the case when our girl’s team ended up in Barangay Talaba V and Zapote II, said to be notorious for its politics, drugs and lack of security.

However, is it possible that the conditions within these spaces can explain such behavior towards outsiders? Mielyn Mercan suggested that it may be because of the proximity to the highway and urban centers; the preoccupation of people in their work and activities determined their “cold” treatment of other people.

Or it could be an issue of the lack of sense of community and familiarity that breed suspicion behind hostility? According to Marianne Naungayan, almost all of the people they interviewed were renters who were not from the place.

Bakod in BacoorOr perhaps politics is the reason behind it? Some residents claim that the governance and protection of a prominent political clan in Cavite have a role in the proliferation of drugs in the area. Furthermore, political connections determines privileges. Agnes Taboclaon wrote of the politics behind the donations of relief goods as told by a resident of Zapote, wherein “Kung wala kang koneksyon sa mga namamahala, well sorry ka na lang.”

Urban proximity, lack of community or familiarity, and politics? We can only guess the reasons behind this type of bakod in Bacoor.


PAG-IIBA SA “IBA”
Lopezville1Lopez Ville na. Inaayos ang guardhouse nung pumasok kami. Hindi naman kami sinita ng guwardiya. Hindi ito katulad ng mga subdivision na napuntahan namin. Kapansin-pansin na luma ang architecture at disenyo ng mga bahay. Hindi katulad ng mga “generic models” ng mga itinatayo ngayon.

Habang hinihintay namin ni Boyet si Eric sa isang tindahan, may batang bumili na mga 10 years old, at sinabi niya, “Maraming nang-aaway dito sa inyo”. Pagkatapos bumili ay binu-bully nga siya ng mga bata na nandun.

Nalaman ko sa tindera na hindi pala taga-doon yung bata at madalas nga na ganun ang ginagawa nung mga batang taga-loob. “Labanan mo!” , sabi ng ale sa store sa batang inaaway. Tinatawag ko rin yung mga nangunguna sa pangbu-bully para sawayin pero hindi ako naririnig. Huli na nung lalapitan ko sana dahil sinipa na nga nung “dayo” yung mga nambu-bully.

Lopezville2Maaring nagkataon o gawaing bata yun. Maaaring ang tingin ay karaniwan sa isang yugto ng mga bata ang makaranas ng ganun. Pero naisip ko, ano ang naitatanim sa isip nung na-bully, nam-bully at nanonood, ng ganung karanasan na malaki ang posibilidad na madala hanggang pagtanda. Sa ganung edad ay alam na ng mga bata ang konsepto ng “mayaman” at “mahirap”.

Sa tingin ko, depende na rin sa maraming factors pero malaki ang posibilidad na mauwi ito sa pagturing na “iba” sa “hindi” kauri. – Eric Sister

 


PANANAGUTAN
Rizal1“Sa kanilang mga nasa subdivision, isa sa common experience ay ang pagiging “kanya-kanya” o “walang pakialamanan”. Tinitingnan ito bilang privacy at respeto sa kapwa. Sign din ito ng pagiging “refined” o “disente” at “professional”. Dahil hindi ko maitanong nang maayos o pwedeng malaman sa isang simpleng tanong kung masaya ba sila sa ganoon, hindi ko masabi kung “alienated” ba sila sa pagtira doon. Parang nostalgic na lang ang pagkawala ng dating hiraman ng plato, asin at toyo na ngayon, kung “close” sa kapitbahay ay nauwi na lang sa paghahatid ng pagkain pag may handaan.”

KRizal2adugtong ng obserbasyon ni Eric Sister, inobserbahan din ni Mielyn Mercan na madalas ang mga naka-tira sa mga gated subdivisions ay walang masyadong kakilala sa komunidad. Isa sa mga dahilan ay madalas wala sila sa bahay dahil sa trabaho sa siyudad. Kumpara sa maraming taong nakatira sa labas ng mga gates ng subdivision, wala man silang kapital o kakayahang upang maging “mobile” ay napaka-close naman nila sa isa’t isa…at minsan ang tsismis ay nagiging ugat ng mga problema.

Ang pagiging “kanya-kanya” ba ay sintomas ng pagusbong ng indibidwalismo sa mga espasyong pribado tulad ng mga subdivision? Ang “walang pakialamanan” ba talaga ay nangangahulugan na may seguridad sa isang komunidad?

Ika nga sa isang sikat na kanta: “Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang.”


ANG PAGKAKATABI NG PAGKAKAIBA
Bacao1Kung ang urbanisasyon ng Rizal ay nakikita sa paghahalo ng urban at rural na pamumuhay, istraktura at espasyo sa mga lugar na malalayo sa high-way, sa Cavite naman ay ibang uri ng transisyon at urbanisasyon ang nagaganap ngayon.

Bacao2

Ayon sa naobserbahan ni Eric Sister at ang kanyang mga kasama: “Nasa tabi lang ng highway na nagdudugtong sa Coastal, Cavitex at Noveleta ang Sitio Kanluran. Nasasakop ito ng Brgy Bacao 1. Mula sa highway, makikita ang pahabang sitio na humahati sa pagitan ng isang malaking bakanteng loteng may bakod at isang sakahan.
Katabi lang din ng sakahan ang Lavanya, isang subdivision na may commercial complex sa bungad. Sa tawid ng Sitio ay isang Chinese restaurant at ang ilang bahagi ng EPZA (Export Processing Zone) o ang Cavite Industrial Zone. Electronics, textile at construction material (tiles) ang ilan sa mga industriya doon.”

Bacao3Ito ang mga obserbasyon na mahalagang suriin…ang pagkaka-iba ngunit pagkakatabi ng dalawang uri ng gamit sa lupa (agricultural at industrial) sa tabi ng highway na nagsisilbing tulay sa pagitan ng Cavite at Manila…at ang implikasyon nito sa pamumuhay, paggalaw, pabahay at trabaho ng mga taong nakatira at titira dito sa mga espasyong ito.

 

 

 

 

 

 

 

 


URBANIZATION WITHOUT URBANISM
When we think of the process of urbanization, we think of malls, high rise buildings, highways and commercial establishments. Along with this type of development, urbanism or the lifestyle characteristic of people who live in urban areas also manifest in various spaces.

Gawaran1Yet in areas where there is disorderly urbanization (such as that of Manila’s fringe), how do you make sense of the urban transformation of the landscapes and its effect on people’s lifestyles?

According to Dorothy Nibalvos, in Gawaran, Molino VII of Bacoor: “Though the area was surrounded with first class subdivisions, it remains a community with rough roads, simple living and is very rural…you would see domestic animals like chickens, ducks and goats walking along the streets. This place showed me the irony of living in Bacoor, that despite the urbanization of the city, there are places that still remain in poverty and simplicity. Therefore, I believe that one cannot generalize the lifestyle, culture and values of the people living in Bacoor.”

Gawaran2

Gawaran3


ANG SIPAG, BUHAY AT TRABAHO
Sabi nila ang mga EPZA (Export Processing Zones Authority) ay isang espasyo kung saan maraming oportunidad para magtrabaho para sa mga dayuhan at lokal na kumpanya. Isa sa mga ito ay ang EPZA sa Bacao I, General Trias, na mas kilala bilang “Cavite Industrial Zone” at sentro ng mga pagawaan ng electronics. Madali naman daw makapasok, kahit high school lang ang tinapos, basta makapasa sa interview.

Bacao4“Dito daw sa ‘Maynila (Cavite)’,” sulat ni Eric Sister, “Kikita ka basta masipag ka. Hindi tulad sa probinsiya na kahit masipag ka, hikahos pa rin sa pamumuhay.

[Ngunit] nagbibigay nga ng trabaho ang mga pagawaan [sa EPZA] pero naisip ko, nagbibigay ba ito ng disenteng pamumuhay para sa mga manggagawa? Sapat nga ba ang sweldo para sa pamilya o ‘nagiging sapat’ na lang ito dahil mas mainam na dito kesa sa probinsiya? May pagpipilian ba? May pagkakataon ba? Sapat ba ang “sipag at tiyaga” na minumodmod sa atin ng gobyerno at ng mga paaralan para ‘umasenso’ sa buhay?

Tulad si Julie*: masipag naman siya at may dalawang negosyo . Pero kailan kaya siya iaangat sa buhay ng kasipagang iyon? Namatay na ang dalawa niyang anak marahil hindi lang dahil sa kakulangan sa pera at kaalaman, kundi dahil sa hindi kayang tustusan at gampanan ng gobyerno ang programang pangkalusugan.”

* Di niya tunay na pangalan.


“RIGHTS”
Sa Queensrow West, Bacoor, akala ng aming girl’s team na isa itong barangay na subdivision dahil sa maganda nitong pangalan. Bagama’t hindi totoo na subdivision, tama naman ang kanilang hinala…ang “Queensrow West” ay hango sa pangalan ng isang land developer.

QueensRow1Ngunit ayon kay Agnes Taboclaon at Marianne Naungayan, hindi kasing ganda ng pangalan nila ang progreso sa lugar. “Maraming gustong lumipat dahil di naman kanilang lupa, walang kuryente at [walang] tubig,” sulat ni Agnes. Dagdag pa ni Marianne, “May rights sila sa lupa pero walang titulo: ‘Wala silang magagawa kung may magka-interes na private individual at bilhin ang lote nila’.”

Gaano ba kahalaga ang karapatan sa lupa ngayon, kung ang mas may karapatan ay ang may-ari at ang may kakayanan bumili?


ANG PAGGIBA NG PANGARAP PARA SA PAGPAPATAYO NG PANGARAP NG IBA
“Unang nakausap ko ay si Lola. Nag-iisa lang siya sa bahay. Nanangalakal siya ng bakal o bote para lang may makain. Tapos habang kausap ko si lola, naiiyak na siya habang nagkwento sa akin ng buhay niya. Pangarap daw niya ng sariling bahay dahil yung lupang tinitirikan ng kanilang bahay ay hindi sa kanila. Kaya ginigiba o sinisira kasi gusto na sila paalisin ng may-ari. Gagawin na daw kasi subdivision yung lugar nila [kahit] dikit dikit ang mga bahay at karamihan ay sementado na.”

SanGab1Sa kasong ito, ang pagpapaalis ng mga tao tulad ni lola, ay para rin sa mga taong tulad niya na nangangarap magkaroon ng maayos na lupa at tirahan. Ngunit kailangan munang gibain ang mga bahay at pangarap ng mga taong ito, may karapatan man ay walang titulo, upang maitayo ang mga “dream homes” para sa mga nangangarap at may kakayahang magbayad.

Kung gayon, napakamahal na pala ang pangarap ngayon…kapalit ang pangarap at buhay ng iba.


ESPASYO
Maaring sabihin na kapag bago lang tayo sa isang lugar ay iba ang konsepto natin ng espasyo. Ang nakasanayang liit o laki ng lugar, at ng mga pisikal at sosyal na bagay na bumubuo rito, ay nagiging basehan natin sa pagintindi sa ibang espasyo na hindi sa’tin.

TalabaTulad ni Clarissa Velasco, na isa sa aming field personnel, ang mga espasyo sa pagitan ng mga bahay sa Barangay Talaba V ng Bacoor, Cavite ay ibang iba sa nakasanayan niya, na kung saan “maraming kabahayan na dikit-dikit, at ang daming maliliit na eskinita/tagusan papunta sa kabilang mga bahay…halos paikot-ikot lang kami sa loob ng barangay at sobrang nakakapagod at nakakahilo na.”

Kung gayon, ano ang mga kundisyon na nagdudulot ng ganitong uri ng espasyo, na kung saan ang mga nakakalitong eskinita at dikit-dikit na bahay ay tanggap bilang parte ng isang urbanisadong lugar tulad ng Bacoor? Paano ba ang pang-araw araw na buhay nila sa loob ng espasyo na ito?

Sana ay may espasyo rin para sagutin ang mga katanungan na ito.


RENTED SPACES
Throughout the girls’ stay in Cavite, they were housed in a boarding house with one bedspace each. Along with other boarders that had jobs in Manila or were studying nearby, Mielyn, Clarissa, Dorothy, Agnes and Marianne’s insights on living in such a space gives us an idea of how some of these paid spaces operate.
Strict house rules such as forbidding of loud noises and voices, the limitations of cramped living quarters, the lack of cleanliness of the place, and awkward interactions with Bedspacecomplete strangers under the same roof are only a few of the challenges they encountered during their monthly stay in Imus.

While purchasing these temporary living spaces has a vital role in the easy access to economic or institutional opportunities in or outside of the city and basic necessities and or transportation routes, most of them come at a price beyond monthly payments; like for our girls, the price of freedom, privacy, and comfort.


ANG TOTOONG HORROR
Dahil Undas na at maraming nagsisilabasang horror story sa telebisyon at radio ngayon, maganda rin isipin natin na minsan ang totoong katakot-takot sa buhay ay hindi ang mga monsters, multo, o aswang na yari sa ating imahinasyon, kundi ang realidad na bumabalot sa mga buhay natin.

Kwento ni Eric Sister, nang nakapanayam niya si Aleng Lina* na taga-General Trias, Cavite: “Pagdating sa bahaging interview, di napigilang umiyak ni Gloriane. Naalala niya dalawang anak na namatay. Isa dahil sa dengue at isa sa hindi nalamang dahilan. Lumobo na lang daw ang tiyan.

Hindi niya raw makalimutan na minsang kasama niya sa jeep ang anak papaunta sa ospital, inalok siya ng pagkain ng isang pasahero. Siguro dahil naaawa sa kalagayan nilang mag-ina. Pero para kay Lina*, parang nainsulto siya at naawa sa sarili. Alam naman daw dapat na sa itsura ng anak hindi naman ito makakakain.

Pera daw ang kailangan nila ng mga panahong iyon at hindi lang basta awa. Sa bandang huli, naibahagi niya ang pagpapasalamat sa panginoon dahil daw matatag pa rin ang samahan nilang mag-asawa sa gitna ng mga dinanas.

Namatay na ang dalawa niyang anak marahil hindi lang dahil sa kakulangan sa pera at kaalaman kundi dahil sa hindi kayang tustusan at gampanan ng gobyerno ang programang pangkalusugan.”


WHERE THE GRASS IS GREENER
When the girls ended up in Green Town Villas, a socialized housing community in Mambog III located in Bacoor, Cavite, they noted a lot of observations among the residents.Mambog1

For one, there were many locals working in Manila (particularly Las Piñas and Parañaque) due to its proximity; second, many houses and units in the subdivision are rented or open for sale or rent; and third, the subdivision was created by a developer with a fondness for creating communities with the word “Green”.

Mambog2Given the composition of migratory and mobile residents in such a space where state and private capital meet, it comes to no surprise then that a sense of history, as Marianne Naungayan put it, is almost non-existent among the residents. Perhaps in the quest for finding greener pastures for work and for a space to call home, the sense of attachment to a place and its historical conditions disappear from the face of the earth – like the green grass of rice fields that have been cleared off to give way to progressive real estate development.

Mambog3


DAMA SA DASMA
Sa pag-aaral namin tungkol sa iba’t ibang espasyo sa gilid, minsan hindi maisusukat ang emotional attachment at social network sa iilang tanong lang sa survey. Kaya’t sa kwento ni Oyayi Umil, makikita na hindi lang ekonomikal at pulitikal ang motibasyon sa pag-alis o pagbabalik sa isang lugar:

“Ito ang Blessedville Subdivision. Gated pero hindi executive. Open-market at talaga naming para sa lahat. Tulad ng West Beverly Hills, mga taga-ibang lugar din ang mga nakatira, pero sa loob lang din ng Cavite. May mga galing sa kabisayaan, at may mga Manilenyo din.

Dasmarinas1Para sa akin significant na respondent si Rita Ora. May katagalan na rin sa lugar at tubong Imus, Cavite. Naging significant siya para sa akin dahil gusto na niyang bumalik sa Imus. Hindi dahil mas maganda ang buhay sa kinalakihang baryo, hindi dahil mas mahirap ang buhay sa Dasmarinas, kundi dahil kamamatay lang ng kanyang asawa.

Bago sa akin iyon. Usually sa aking pag-iisip, ang mga matandang iniwan ng kanilang mga asawa ay gugustuhin na ring mamatay kung saan sila iniwan. At ayon din sa kanyang anak, na baka sumunod na din daw dahil sa sobrang depresyon. Bukod sa kalungkutan, nasa Imus lahat ang kanyang kamag-anak, mga ate, mga kuya, mga kapatid, pinsan at iba pa, na maaaring makatulong sa kanya sa buhay.”


SPATIAL PERCEPTIONS AND FEELINGS
In engaging our field personnel as our research partners on the ground, we also requested that they create drawings or mental maps of the places they went to and the landmarks they remembered. It is interesting to note that their work reflects their own personal experience within spaces, such as food, commodities and/or other people, that goes beyond the physical landscape.

As an example, we’d like to share the interesting work the girls did for Salitran 1 in Dasmariñas, Cavite.

Map1

Map2

Map3

Map4

Map5


LONG DISTANCE
GenTrias1“Nagbo-bomba naman sa poso si *Linda nang abutan ko,” sulat ni Eric Sister. “May panahon naman daw siya para sa survey. Nahihiya akong papasukin sa loob ng bahay niya dahil magulo daw. Nakailang ulit siya sa pagsabi ng ‘nakakahiya’.

Limang maliliit na bata ang nasa loob. Sa kalagitnaan ng pag-uusap, panay ang mura niya sa anak at pinatitingnan ang pinapakuluang tubig sa labas. Sadyang malilikot din ang mga bata. Sa tantya ko, madalas ang ganung eksena sa kanila. Aminado siyang lagi siyang kunsumido.

GenTrias2Lingguhan kung umuwi ang asawa niya na stay-in sa Alabang, Muntinlupa. Nagtitinda ng Ice Cream. Sinubukan na rin daw nila mangupahan pero hindi raw nila kaya ang renta. Kailangan daw pagtiyagaan na magkalaayo sila dahil nandun ang trabaho.”

Sa ganitong pagkakataon, walang pinagkaiba ang asawa ni Linda sa mga naga-abroad…kailangan lumayo dahil at para sa trabaho upang buhayin ang kanilang pamilya. Kahit sabihin natin na lingguhan ang uwi (kumpara sa buwan o taon ng mga OFW at OCW), ang pagkawalay sa pamilya ng limang araw ay may epekto sa pang-araw araw buhay at relasyon sa mag-ina.

Kung gayon, malayo na rin pala ang pagitan ng General Trias at Maynila, kung walang kapital at lakas para bumiyahe para sa pamilya.

GenTrias3


ANG BARANGAY NA 2 BLOCKS AT 90 HOUSES LANG
Ayon kay Mielyn Mercan, isa sa mga field supervisor namin:

“Nahirapan kaming hanapin yung barangay. Hindi pala alam ni manong tricycle driver, kawawa din siya kasi ang layo ng naikot namin.

90HousesNagulat kami nung nalaman namin na wala pala silang barangay hall…at tama nga ang kutob ko, maliit lang ang barangay nila. Ang pinakamaliit sa lahat ng Cavite daw.

Karamihan ng mga residente nila ay nasa abroad na at galing sa mga prominenteng pamilya sila, at mga ancestral houses na lang ang natira. Yung mga bahay ang gaganda, halatang mga mayayaman mula sa architecture ng bahay (spanish style). May mga apartment din pero saradong-sarado ang mga bahay, yung mga gate puro mga naka-padlock.”


DIVISIONS AMONG SUBDIVISIONS
Kapag sinabi “subdivision”, madalas ang naiisip natin ay isang malaking lugar na kung saan maraming bahay at pamilya na enclosed sa isang secure at pribadong espasyo. Ngunit minsan, hindi ito ang realidad sa ibang real estate development sa gilid ng Maynila.

Carsadang1Tulad na laman ng isang subdivision sa Carsadang Bago 1. Ayon kay Agnes Taboclaon (field interviewer): “Ang liit ng subdivision na ito. Although growing siya, relatively small pa din. Pare-pareho ang hitsura ng mga bahay nila. Same lang din ang mga sizes, except na lang doon sa mga corner lots. Nagmumukhang malaki na lang ang ibang mga bahay dahil malaki yung mga bakod nila.

Carsadang2Maraming mga bahay na wala pang nakatira. Nabubulok na yung ibang mga doors ng bahay. Tahimik naman ang lugar at malinis.

Carsadang3


MGA MAY KWENTANG KWENTO

Minsan, sa mga diary ng aming field interviewer namin nakikita na hindi lang basta survey ang ginagawa nila sa field. Bukod sa nailalabas nila ang kanilang hinanaing ay nararamdaman din nila ang kanilang pagkatuto mula sa pakikisalamuha sa mga tao na nakatira sa mga study sites.

Tulad na lamang ang kwento ni Clarissa Velasco (Field Interviewer) nang mapadpad siya sa Imus, Cavite:

Imus1“Ang saya makipag-usap sa mga tao na through the process/or during the interview, nalalaman mo yung life nila from the past up to the present…minsan matatrace pa kung kailan nagkakilala o nabuo ang love story ng respondent mo and talagang shineshare din nila ito sa’yo.

May isa akong respondent na inadmire ko…feeling ko napaka-fulfilled na niya sa life niya. In the past, member siya ng armed forces at nagserve siya sa limang presidente except Ninoy…during those days, pinag-aral siya ng nursing para in case sa mga labananan may military nurse na maga-assist sa kanila, at pinadala rin siya sa Australia for studies sa airforce naman. Sa Saba (work-related din), akala ng mga tao dito na member siya ng DOH kasi pwede siyang patayin kapag nalaman na member siya ng military. Andami pa niyang kwento, pero nag-enjoy ako sa stories niya.”


CAVITE AS A SITE OF RESISTANCE
Unearthed from the Bahay Tsinoy, a museum located in the heart of Intramuros, Manila, even the Filipino-Chinese community recognizes Cavite as a historical site of resistance against the Spanish government, with Filipinos and Chinese working together in attempting to topple the imperial regime. As posted on one of the museum exhibits:

“The Cavite Mutiny
When the colonial government canceled their exemption from tribute and forced labor, 200 workers in the arsenal of the Cavite artillery corps staged a mutiny on January 20, 1872. Declared part of a conspiracy instigated by Fathers Gomez, Burgos and Zamora, the mutiny was crushed after three days of fighting with 41 mutineers dead and 154 Filipinos arrested and charged for complicity in the mutiny.
Among those charged and sentenced with imprisonment and exile were Maximo Inocencio, Enrique Paraiso and Crisanto de los Reyes, a wealthy Chinese mestiso.”


The 13 Martyrs of Cavite
“Katipunan offensives in Manila and the liberation of Imus in Cavite led Governer General Blanco to declare a state of war in Manila and the surrounding provinces.

On September 3, 1896, a clash between Cavite Katipuneros and a Spanish contingent resulted in a rebel victory. Immediately, suspected leaders of the Cavite uprising were arrested.

Named were 13 Cavitenos who were charged and executed at the Plaza de Armas of Fort San Felipe Neri on September 12, 1896.

Luis Aguinaldo, government employee
Eugenio Cabezas, watchmaker
Feliciano Cabuco, government employee
Agapito Conchu, photographer
Maximo Gregorio, government employee
Maximo Inocencio, proprietor
Jose Lallana, tailor
Severino Lapidario, first prison warden
Victoriano Luciano, pharmacist
Alfonso de Ocampo, second prison warden
Francisco Osorio, businessman
Hugo Perez, physician
Antonio San Agustin, surgeon”

Cavite1When speaking of struggles, resistance and conflict that were fought in a historical site such as Cavite in contemporary times, it is hard to physically re-imagine it in spaces that have urbanized and transformed the landscape according to the movement of foreign and local capital and bodies.

Perhaps in a time when everything is in transition and in a constant state of movement with new technology and markets, we lose memory and historical sentiment of the places where we live and move in.

Source of information: Bahay Tsinoy, Intramuros

Cavite2

Cavite3

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s